| LOveLoveBAn | |
|
|
Author | Message |
---|
arao arawin mo ang sarap (,") ICT (",)
Posts : 37 Join date : 07/02/2010 Age : 31 Location : bulacan
| Subject: LOveLoveBAn Mon 8 Feb 2010 - 1:05 | |
| KOMPYUTER
Nasave ko na ang pag-ibig mo
Sa aking puso
Naopen ko na rin ang ligayang hatid
Ng iyong pagdating sa buhay ko
Nadelete ko na ang sakit at luha
Na dulot ng unang pagkabigo
Nasa documents na ang istorya
Kung paano tayo nagkakilala
Isang hapon ng Nobyembre
Madali kang nakapaglog-in sa puso ko
Isang piping dalangin sa maykapal
Huwag ka sanang maglog-out
Parang internet
Huwag sanang mawala ang connection
Nating dalawa
Magmultiply sana ang ating pag-ibig
Upang magkaroon tayo ng sariling site
Upang pagdating ng araw
Maiprint natin
Ang kwento ng ating
Pakikibaka sa bawal na pag-ibig
Na ating napagtagumpayan.[b][i] | |
|
| |
arao arawin mo ang sarap (,") ICT (",)
Posts : 37 Join date : 07/02/2010 Age : 31 Location : bulacan
| Subject: Re: LOveLoveBAn Mon 8 Feb 2010 - 17:16 | |
| First Love is our last We always believe our first love is our last, and our last love our first.
Love waits for one thing, the right moment.
Loving you was easy, losing you was hard. Loving you is still easy, but knowing you are no longer mine, is the hardest of it all.
Heavy hearts, like heavy clouds in the sky, are best relieved by the letting of a little water.
Woman's happiness begins with her first love and ends about then.
Love is like a puzzle. When you're in love, all the pieces fit but when your heart gets broken, it takes a while to get everything back together. | |
|
| |
Admin Mag Bobote
Posts : 222 Join date : 07/02/2010 Age : 41
| Subject: Re: LOveLoveBAn Mon 8 Feb 2010 - 17:21 | |
| yan aus yan kung yan ang paraan mo para sagutin ka na ng nililigawan mo waaaa!!! | |
|
| |
arao arawin mo ang sarap (,") ICT (",)
Posts : 37 Join date : 07/02/2010 Age : 31 Location : bulacan
| Subject: Re: LOveLoveBAn Mon 8 Feb 2010 - 17:24 | |
| tula ng pag-ibig , sakit , at pagdurusa
bakit ang pag-ibig hindi mo matantsa ? sa panahon at oras ako'y nangangamba dahil kung sakiling ako'y magmahal muli pagod nang maghintay kung sakali
kadilima'y nagsimulang lamunin ang liwanag puso'y nagtangkang lumayo pag - ibig ba itong aking tinagpo sinunod ko lahat ng iyong luho
ikaw , ang huling nagpaluha sa mga matang nangingintab sa sakit mga hinanakit dahil sayo'ng pagmamalabis pagmamahal lamang ang tanging ninais
huminto ang mga tala sa pagkinang ang buwan ay unting naglaho nag - iisa kong hinarap hanggang sa nagkulay abo ang alapaap
pagtangis , wala nang paraan takot ang nangibabaw wala ka upang ako'y patahanin di alam ang nararapat gawin
kimi nang tayo'y magkita alaala ng bangungot na iyong dinala sa buhay ko'y pinangarap ka ngunit sa sakit , ayoko nang umasa . | |
|
| |
arao arawin mo ang sarap (,") ICT (",)
Posts : 37 Join date : 07/02/2010 Age : 31 Location : bulacan
| Subject: Re: LOveLoveBAn Mon 8 Feb 2010 - 17:27 | |
| Pangarap nalang kita SINTa
nasaan ka na? bakit hindi kita madama nandito ka pa rin ba o hanggang pangarap na lang kita
hindi ko maramdaman ang tunay na kahulugan at iyong kabuluhan sa mundong aking ginagalawan
naiingit ako sa ibang tao na ika'y nasa kanilang puso kaya't para nang kumpleto ang buhay nila sa mundo
pero ako, bakit naiiba? hindi kita madama lagi akong umaasa pero, kailan pa?
kailan ka mararamdaman ng puso kong nangangailangan ng puso kong tigang at walang pakiramdam
sana, dumating ka na .. sana .. | |
|
| |
arao arawin mo ang sarap (,") ICT (",)
Posts : 37 Join date : 07/02/2010 Age : 31 Location : bulacan
| Subject: Re: LOveLoveBAn Mon 8 Feb 2010 - 17:31 | |
| For You
The smile in your eyes Can light my lonesome nights The very soul in your heart Can change my whole life Lead me back to where I was Back where I played around the house, Laughed a thousand times, Danced from under those little rains above These are thoughts for you From your first line to my last stand, For our amazing moments, For your little time, For your sweet notes form time to time, For the love, For your life, For you
| |
|
| |
arao arawin mo ang sarap (,") ICT (",)
Posts : 37 Join date : 07/02/2010 Age : 31 Location : bulacan
| Subject: Re: LOveLoveBAn Mon 8 Feb 2010 - 17:40 | |
| I LOVE YOU
You taught me how to love
Even if
That love is forbidden
I have loved you
And still loving you
In my own silent ways
Since the day we meet
You breathed life and love
In my own existence
Carving a dream
In the darkness of a naked night
Hoping you will be mine
Longing for your love
Loving till it hurts
In a world of a many splendor thing
I have loved you
And still loving you
In a love that is unrequited
In a love that is unfulfilled
Yet making me whole
How can I tell you?
That I love you
And you mean the world to me?
Just listen
In the silence of a heartbeat
Echoing in my heart and soul
As I hold my breath closer to you
Hello! My love
Welcome to my life
I love you | |
|
| |
arao arawin mo ang sarap (,") ICT (",)
Posts : 37 Join date : 07/02/2010 Age : 31 Location : bulacan
| Subject: Re: LOveLoveBAn Mon 8 Feb 2010 - 17:42 | |
| RITMO NG PAGSINTA
Sa bawat pagkanta nating dalawa
Nakatitik ang saya
Sa bawat tiklado ng nota
Sumasabay ang kaba
Tumitibok, pumipintig, umiibig
Napipi ang puso, naumid ang dila
Walang maapuhap na salita
Tanging ang liriko ng kanta
Ang umaawit ng melodiya
Na nais bigkasin ng puso
Mahal kita, naririnig mo ba?
Ang ritmo ng pagsinta | |
|
| |
arao arawin mo ang sarap (,") ICT (",)
Posts : 37 Join date : 07/02/2010 Age : 31 Location : bulacan
| Subject: Re: LOveLoveBAn Mon 8 Feb 2010 - 17:46 | |
| PUGAD NG PAG-IBIG
Pag-ibig anila'y bulag ang kahambing, Hindi nakakikilala ng pangit at matsing, At kahit pa nga magdildil ng asin, Duling na sa gutom, maligaya pa rin!
Ganyan bang pag-ibig... martir at dakila? Sa wari'y bayani't sundalo ng digma, Sugatan ma't lumpo, lalaban ng kusa Ipakikibaka bansang sinisinta.
Walang pasubaling ganyan ang katulad Ng magkasintahang nasa isang pugad, Hindi papipigil harangan man ng sibat, Pagkat alipin na ng pusong bumihag!
Ngunit kung minsan nga'y iba ang pag-ibig, Humugis na talim - gahaman at ganid, Kumikitil ito, sa buhay pasakit, Luluha ka lamang ng dugo at putik!
At magkaminsan pa'y hatid nito'y sama, Kasalanan ang siyang dala nitong bunga, Buhay ng pag-ibig wala ngang kapara Salimuot ng gulo, magulong dakila! | |
|
| |
Admin Mag Bobote
Posts : 222 Join date : 07/02/2010 Age : 41
| Subject: Re: LOveLoveBAn Mon 8 Feb 2010 - 17:47 | |
| dami ah inlove ka na talaga waaaa!! | |
|
| |
arao arawin mo ang sarap (,") ICT (",)
Posts : 37 Join date : 07/02/2010 Age : 31 Location : bulacan
| Subject: Re: LOveLoveBAn Mon 8 Feb 2010 - 21:59 | |
| SA GABI NG ISANG PIYON
Paano ka makakatulog? Iniwan man ng mga palad mo ang pala, Martilyo, tubo’t kawad at iba pang kasangkapan, Alas-singko’y hindi naging hudyat upang Umibis ang graba’t semento sa iyong hininga. Sa karimlan mo nga lamang maaaring ihabilin Ang kirot at silakbo ng iyong himaymay: Mga lintos, galos, hiwa ng daliri braso’t utak Kapag binabanig na ang kapirasong playwud, Mga kusot o supot-semento sa ulilang Sulok ng gusaling nakatirik. Binabalisa ka ng paggawa — (Hindi ka maidlip kahit sagad-buto ang pagod mo) Dugo’t pawis pang lalangkap Sa buhangin at sementong hinahalo na kalamnang Itatapal mo sa bakal na mga tadyang: Kalansay na nabubuong dambuhala mula Sa pagdurugo mo bawat saglit; kapalit Ang kitang di-maipantawid-gutom ng pamilya, Pag-asam sa bagong kontrata at dalanging paos. Paano ka matutulog kung sa bawat paghiga mo’y Unti-unting nilalagom ng bubungang sakdal-tayog Ang mga bituin? Maaari ka nga lamang Mag-usisa sa dilim kung bakit di umiibis Ang graba’t ‘semento sa iyong hininga... Kung nabubuo sa guniguni mo maya’t maya Na ikaw ay mistulang bahagi ng iskapold Na kinabukasa’y babaklasin mo rin. | |
|
| |
arao arawin mo ang sarap (,") ICT (",)
Posts : 37 Join date : 07/02/2010 Age : 31 Location : bulacan
| Subject: Re: LOveLoveBAn Mon 8 Feb 2010 - 22:01 | |
| Sino ang pipiliin ninyo?
MGA PULITIKO: villar – papaliguin niya ang mga bata sa dagat ng basura “tunay ka bang kaisa sa amin” villanueva – di pwede sa edsa “overloading bus nya” binay – pwede tayong umasenso sa pamumulot ng barya legarda – nagtanim ng papaya, ng namunga ay palay gordon – laging gising “di kaya nagdadrugs?” roxas – sira ang budget “palagi sa palengke” gibo – mauubos ang tao sa pilipinas ”lipad na, tara na” noynoy – bagong rapper bayani – di kaya gawing pink ang buong pilipinas! | |
|
| |
arao arawin mo ang sarap (,") ICT (",)
Posts : 37 Join date : 07/02/2010 Age : 31 Location : bulacan
| Subject: Re: LOveLoveBAn Mon 8 Feb 2010 - 22:08 | |
| MAYROON KANG….
………………………… MAY KWENTO ako. ang pamagat ay ako. Ako isang araw may isang babae ang pangalan niya ay MAYLI. {MAYLI} kwento niya…….. nawala niya ang BAG niya. {BAG} tapos na!! pamagat non ay AKO. {AKO} pagsamasamahin mo lahat ng nasa gilid. ano mayroon ka? …………….. MAYLI+BAG+AKO= | |
|
| |
kaillex banayad_na_maluma (,") ICT (",)
Posts : 9 Join date : 10/02/2010 Age : 31 Location : Blk 4 Lot 5,Area H,City of SJDM,Bulacan
| Subject: Re: LOveLoveBAn Thu 11 Feb 2010 - 9:43 | |
| magandang cmulain anak ng arao, joke...pagpa2Loy mu at mag dominate ka ...kxo me eye bag ka na ... chillax...! wag mung dibdibin
Last edited by byakuya_kuchiki on Fri 12 Feb 2010 - 17:13; edited 1 time in total | |
|
| |
arao arawin mo ang sarap (,") ICT (",)
Posts : 37 Join date : 07/02/2010 Age : 31 Location : bulacan
| Subject: Re: LOveLoveBAn Thu 11 Feb 2010 - 13:27 | |
| | |
|
| |
arao arawin mo ang sarap (,") ICT (",)
Posts : 37 Join date : 07/02/2010 Age : 31 Location : bulacan
| Subject: Re: LOveLoveBAn Thu 11 Feb 2010 - 13:28 | |
| | |
|
| |
khrizel forum supporters
Posts : 138 Join date : 07/02/2010 Age : 30 Location : bulacan
| Subject: Re: LOveLoveBAn Thu 11 Feb 2010 - 19:25 | |
| nu ba yan!!nakakainiz nm toh!!mag popost nlng!!yung mejo sapul pa!!huhuhu!!skit nmn nun!!,.,sana nga mkita at maramdamn nya khit alm kong nsa iba nag atensyon nya! | |
|
| |
^^alemar-cath^^ (,") ICT (",)
Posts : 31 Join date : 10/02/2010 Age : 31 Location : Towerville Minuyan Proper, Bulacan
| |
| |
Sponsored content
| Subject: Re: LOveLoveBAn | |
| |
|
| |
| LOveLoveBAn | |
|