♥ baboilett :) special visitor
Posts : 47 Join date : 02/09/2010 Age : 30 Location : cabuyao laguna
| Subject: AKO ♥ Fri 3 Sep 2010 - 12:07 | |
| [center] Simpleng mukha na mapanlinlang, Nagngingitngit na’y hindi mo pa alam.
May mga ngiting ipinagdaramot, Sa palalo’t mapag-imbot.
May mga tawang sinsero, Labas-dila kung nais mo.
May mga taingang laging nakalaang makinig, Maglimi at kung minsa’y magbingi-bingihan.
May pares ng matang mapagmasid, mapanghusga, Tumatagos sa kaibuturan, mapang-usig kung kinakailangan.
May mga labing malumanay mag-akusa, Ngunit malambing kung manita.
May dilang nakasusugat kung inaapi, Banayad kung minamahal.
May dalawang mapagpalang mga kamay, Sa sinuman ay nakalaang umalalay.
May matatag na balikat, Maaari mong sandalan o kaya’y iyakan.
May mga paang nakalaang tahakin, Ang landas ng sino mang mag-aanyaya.
May mga bisig na kayang yumakap, Maging ikaw pa ang pinaka-hangal.
May pusong madaling magtiwala, Ngunit hirap makalimot.
May kaluluwang naghahangad ng kaganapan, Sa patutunguhang hindi masumpungan | |
|